Blah Blah...


I am the girl with the broken smile.
| Irish | 14 | Junior | Cavite |


home

ask

FAQs

Facebook

Twitter











0 notes
24/2/2012 @ 8:01am
© peksmanmamataykaman

Hindi mo naman ako masisisi kung ayaw ko na talaga. 

Sabihin nating miss nila ung dating tayo, miss mo ko, pero kahit sabihin ko pang miss rin kita, hindi magbabago ang lahat. Minsan na kong naging tanga at nagpakatanga ng sobra, at un ang pinaka pinagsisisihan ko sa lahat. Masyado mo kasi akong tinake for granted, hindi mo inalam na importante pala ako sayo, mas inuuna mo pa ung iba noon kesa sakin, eh sino ba namang girlfriend ang matutuwa nun? WALA. 

Tapos ngayon, babalik-balik ka? Para san? Para saktan ako ulit? Hindi ko rin kasi alam kung seryoso ka at kahit na seryoso ka pa ay hindi na kita seseryosohin kahit kailan. Masyado lang akong nagtataka kung bakit hindi ka man lang pinipigilan ng mga Kuya ko na tropa mo. Alam ko kasi na kahit loko-loko ung grupo niyo eh matino maging Kuya ung mga un. At nangako rin sila sakin na after ng break up natin noon ay pro-protektahan nila ako laban sayo. Pero ngayon, parang sila pa tong naglalapit sakin sayo. 

Hindi ko alam pero may part sa sarili ko na “siguro meron pa nga” pero mas nananaig ung part sakin na “ginawa ka na ngang tanga noon, magpapakatanga ka pa ba ngayon?”. Mas mabuti na sigurong bitter ako sayo ngayon para maiwasan ko na ring mahulog ulit. Ayaw ko na muna ng commitment kahit na sino gwapo o hindi, crush ko o hindi, mahal ko man o hindi, at paninindigan ko yon.

Ang akin lang, kung nagbago ka na talaga, ipakita mo na lang sa iba. Kasi kung ganun lang din naman, mas matutuwa pa ko sayo. Kung gusto mo bumawi sakin, hindi na kailangan kasi matagal nanaman kitang napatawad eh. Pero kung talagang seryoso ka, kay Mama, mo na lang ipaliwanag ang lahat. At kapag naging okay na kayo ni Mama, dun lang ako papayag. Ligawan mo muna si Mama, bago mo ko ligawan ulit.