
Eto na ata yung pinakanakakainis na part ng pagmomove on.
Yung tipong okay na ang lahat, nasabi mo na sa sarili mo na kaya mo na siyang kalimutan, oras na para magmove on kasi wala na din naman papatunguhan kung magpapaka-tanga ka pa din sa kaniya eh sa kaniya naman parang wala lang.
Pero sa oras na sinabi mo sa sarili mo yung mga words na yun eh saka naman siya laging nagpapakita sayo, lagi kayong nagkakasalubong ng di inaasahan. Mapagloko talaga ang tadhana eh no? Kung kailan gusto mo siyang makita, dun naman siya hindi nagaappear, pero sa oras na ni buhok niya eh ayaw mo makita dun naman siya laging nagpapakita.
Siguro tinetest ka lang ng tadhana, kung kaya mo panindigan mga sinabi mo o magpapadala ka sa agos at maiinlove ulit sa kaniya.
PARANG KAMAKAILAN LANG NANGYARI SAKIN TO! YUN BANG SABI KO WALA NA! PERO YUNG MOMENT NA BIGLA SYANG NAG-CHAT, PANAY ANG...