Ung totoo? gusto mong dukutin ko yang mga mata mo?!

Kahit na sabihin mo pang gwapo kung naninigarilyo naman wala rin, no thanks na lang. Hindi naman sa galit ako sa kanila, may mga kamag-anak/kaibigan naman din kasi akong naninigarilyo eh kahit mga magulang ko nga naninigarilyo, pero si Papa hindi na kasi nagkasakit siya. Kahit dati ung ex ko, nagtry siya, sabi niya isa lang naman daw yun sabi ko kapag pinagpatuloy niya yun, makikipagbreak ako. Hindi dahil sa hindi ko tanggap na ganun siya kundi dahil alam kong mali ung ginagawa niya kaya dapat kong itama yun. At hindi rin kasi maganda na makitang naninigarilyo ka sa edad mong yan. Diba?
Alam mo yung feeling na yun? Na kahit sa sarili mong blog hindi ka parin makapagpost ng mga super personal na post kasi palagi mong inaalala ung mga followers mo. Palagi mong inaalala na ung iba sa mga nagfo-follow sayo ay taga-school o kakilala ka personally. Ang hirap kasi kapag nabasa nila yun tapos magre-react sila about dun, or worst ay ma-misinterpret nila ung post mo o hindi man lang nila naintindihan ng maayos tapos sabay chika kay ganito ganyan hanggang sa kumalat sa school o sa ibang tao. Hayy.

Mga tao nga naman.

Hindi ung sasabihin mo lang to dahil sinabihan ka rin niya ng “I love you”, hindi dahil girlfriend/boyfriend mo siya at kailangan ay automatic mo ng sabihin yon, at hindi dahil kailangan mo sabihin palagi kundi dapat sasabihin mo ang mga katagang un dahil un ung nararamdaman mo para sa tao. At dapat kapag sinabi mo un, handa mong panindigan at patunayan, hindi ung puro ka salita kulang naman sa gawa. Kung nagloloko ka lang o kung hindi ka sigurado sa nararamdaman mo para sa tao, wag kang magbabanggit ng kahit na anong katagang ikakadahilan ng pagasa niya sayo. Para sa huli, walang masasaktan na ibang tao. Kuha mo?