Diba? Minsan pa nga sabay silang nagpopost ng ganun eh. Pwede naman kasing naisip lang talaga nila yun kahit ung quotable quote na ginamit mo pa dun sa post mo ay pwede niya ring maisip yun at pwede ring yun ang ilagay niya sa post niya. Kaya wag ka munang magpadalos-dalos kung magkaparehong-magkapareho kayo ng post nung isa. Be open minded na lang. Intindihin mo muna na madaming dahilan kung bakit kayo magkapareho. Wag mo munang isipin na ginaya niya yung post mo lalo na kung ikaw yung naunang magpost nun. At kung mas madami ang nakuha niyang notes kesa sayo, hayaan mo na lang. Mas mabuting manahimik na lang kesa makipagaway ka pa. Wala rin namang mangyayari, post niya parin yun. Hindi ka yayaman kung makikipag-away ka pa dahil lang sa post na yan.
Ano ka? Congressman?
